Paano maghanap ng doktor gamit ang SeeYouDoc?

Nais ng SeeYouDoc na tulungan ang bawat pasyente na mapabilis ang paghahanap ng doktor gamit ang iba't ibang mobile devices.
Narito ang mga paraan para gabayan ka sa pahahanap ng doktor gamit ang SeeYouDoc.
Buksan ang iyong web browser at pumunta sa www.seeyoudoc.com.

Sa SeeYouDoc homepage, i-click ang "Search for Doctors."

Kung alam mo na kung aling doktor ang nais mong hanapin, maaari mong i-type ang kanilang pangalan sa searchbox sa na makikita sa Categories section. Kung ang doktor na iyong hinahanap ay isang rehistradong practitioner sa SeeYouDoc, dapat lumitaw sa resulta ang pangalan niya.
Samantala, kung ang pangalan naman ay hindi available, pwede kang maglagay ng ibang detalye na maaaring makatulong sa iyong paghahanap. I-filter ito sa pamamagitan ng field of medicine, health insurance coverage, lugar kung saan malapit sa iyong kinaroroonan o itakda ang taon ng karanasan sa larangan ng medisina.

Huwag mag-alala kung hindi ka sigurado sa uri ng doktor na iyong kailangan o kung kulang ang ilang impormasyon. Maaaring iwanan ng blangko ang ilan detalye, ang SeeYouDoc ang magbibigay sayo ng listahan ng mga doktor na maaari mong pagpilian.
Kung nahihirapan ka pa rin sa paghahanap ng kailangan mo, maaari kang makipag-usap sa amin gamit ang live chat sa aming website o mag-email sa hello@seeyoudoc.com o tumawag sa (+632) 9335573 loc 104.

Updated on: 08/03/2020
Thank you!