Hi, doctor! Tulad mo, nais naming magkaroon ng access sa mga serbisyong pangkalusugan ang bawat pasyente nang ligtas at maginhawa. Para naman sa aming mga makabagong bayaning katulad mo, nais naming tulungan ka na mapagaan ang iyong responsibilidad bilang isang propesyonal sa larangan ng medisina at kalusugan.

Bilang aming partner doctor sa SeeYouDoc, maaari ka na ngayong gumawa ng mga konsultasyon online sa iyong mga pasyente kahit saan at anumang oras na maginhawa para sa iyo. Maaari ka ring magkaroon ng kakayahang ayusin ang iyong schedule at mga appointment sa kanila sa pamamagitan ng aming online appointment system. Bukod doon, magkakaroon ka ng isang tukoy na pahina upang personal na pamahalaan ang iyong professional profile. Ang lahat ng ito, maa-access mo online gamit ang iyong laptop, tablet, at smartphone.

Kung nag-sign up ka sa pamamagitan ng aming website, maaari mo ring i-download ang SeeYouDoc MD app sa iyong mobile device pagkatapos lumikha ng iyong account. Ito ang mga link: Google Play Store para sa Android device o Apple App Store para sa iOS device.

Sundin ang mga hakbang na ito upang mag-sign up:

Sa iyong web browser, pumunta sa www.seeyoudoc.com.



Sa SeeYouDoc homepage, i-click ang "Sign up" na gaya ng iyong nakikita sa larawan sa ibaba.



Piliin ang "Register as a practitioner."



Punan nang naaayong impormasyon ang form at kumpirmahin na ikaw ay sumasang-ayon sa aming Terms and Conditions. Lagyan ng tsek ang kahon na nagsasabing, "I'm not a robot" at i-click ang "SIGN UP."



Maglagay ng referral code kung ikaw ay mayroon nito at kung wala naman ay, maaari ng laktawan ang bahaging ito.



May ipapadala sa iyong email upang i-verify ang iyong account. I-click lamang ang, "CONFIRM MY EMAIL" upang makumpleto ang iyong pag-sign up.



Matapos makumpleto ang iyong pag-sign up, maaari kang idirekta sa isang pahina kung saan makikita mo ang iba't ibang mga apps ng SeeYouDoc, makikita mo din dito na ang iyong pagrehistro sa SeeYouDoc MD ay kasalukuyang sinusuri.



Sa sandaling maaprubahan ang iyong registration, sa susunod na ikaw mag-login maaari mo nang ma-access ang portal ng SeeYouDoc MD. Maari mo rin i-click ang menu na gaya ng iyong nakikita sa larawan sa ibaba.



Congratulations! Isa ka ng registered partner doctor ng SeeYouDoc. Ang iyong susunod na hakbang ay dapat na magdagdag ng mga clinics sa iyong profile.


Need more help? As we build software to help innovate the medical industry today, our arms are also open to provide you assistance in any way possible. If you need a face to face, online or recorded demo, let us know by giving us a call or emailing us through hello@seeyoudoc.com & +63 917 702 6381.

Was this article helpful?
Cancel
Thank you!